Home HOME BANNER STORY Dagdag-presyo sa produktong petrolyo kasado sa Martes

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo kasado sa Martes

84
0

MANILA, Philippines- Muling magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P0.95 sa kada litro ng diesel at P0.85 naman sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price hike din sa mga nabanggit na produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipatutupad alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ang kompanyang CleanFuel naman ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipatutupad na dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng big time oil price hike kung saan may dagdag presyo na P1.10 sa kada litro ng gasolina, P1.55 sa kada litro ng diesel at P1.40 naman sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here