Home NATIONWIDE 3 dayuhang sex offenders naharang sa NAIA

3 dayuhang sex offenders naharang sa NAIA

MANILA, Philippines – NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlo pang mga sex offenders na dayuhan dahil sa pagiging undesirable aliens ng mga ito.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang tatlong pasahero ay pinigil sa NAIA terminal 1 makaraang magpanggap ang mga ito na turista.

Kinilala ang mga dayuhan na sina Jeffrey William Jewitt, 42, na sakay Korean Airlines flight galing Incheon, South Korea.

Si Jewit ay nahatulan ng two counts na child abduction at pagmomolestiya sa isang 16 anyos at sexual exploitation sa isang 12 anyos sa isang korte sa Illinois noong 2012, ayon sa BI border control and intelligence unit (BCIU).

Si Charles David James Weatherall, 32, ay hindi pinayagang pagdating nito sakay ng Air China flight galing Beijing.

Siya ay nahatulan ng child pornography dahil sa pagkakaroon ng mga hubad na litrato ng mga kababaihan sa United Kingdom.

Habang si Momodu Wurie Jalloh, 28, ay pinigil din sakay ng Saudia Airlines galing Jeddah, Saudi Arabia.

Siya ay nahatulan ng pananakit sa isang 21 anyos na babaeng walang kakayahan.

“As gatekeepers of the country, immigration officers are chiefly responsible for seeing to it that unwanted aliens are immediately turned away upon arriving in any of our international port of entry,” ayon kay Tansingco. JAY Reyes