CAVITE, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki matapos umanong maaktuhang nagsasagawa ng pot session sa loob ng isang nakaparadang jeep sa Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Mar,” “Josh” at “Piter,” pawang nasa hustong gulang at residente ng lugar.
Ayon sa Tanza MPS, dakong 2:50 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang Station Drug Enforcement Team laban sa mga suspek.
Apat na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.93 gramo ang nakumpiska, kasama ang iba’t ibang drug paraphernalia na umano’y ginamit sa loob ng sasakyan.
Nasa kustodiya na ng Tanza Police ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kabilang ang paggamit ng ilegal na droga. MARGIE BAUTISTA