Home METRO 3 durugista binitbit sa P3.4M droga sa P’que mall

3 durugista binitbit sa P3.4M droga sa P’que mall

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang P3.4 milyong halaga ng shabu sa naarestong  tatlong suspek sa buy-bust operation sa basement parking ng isang shopping mall sa Parañaque City nitong Martes, Abril 16.

Sa inisyal na ulat, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakumpiska ng mga alagad ng batas ang 500 gramo ng shabu mula kay Asher Guiani, 32; Ariedz Guiani, 27; at Almajid Kudandin, 22, dakong 12:20 ng tanghali. sa operasyon sa barangay Don Bosco.

Bukod sa shabu na nakatago sa anim na piraso ng knot-tied transparent plastic sachet, nakuha ng mga operatiba ang isang genuine P1,000 bill, boodle money, isang cellphone, isang laminated temp PhilSys identification (ID) card sa ilalim ng pangalan. ng Ariedz Guiaman Guiani at itim na sasakyang Hyundai Accent na may plakang AQA 2908 na may ignition key.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa iligal na droga. RNT