Home METRO 13-anyos na babae na papasok ng iskul binaril sa ulo

13-anyos na babae na papasok ng iskul binaril sa ulo

99
0

MANILA, Philippines – Binaunan ng bala sa ulo ang isang 13-anyos na babaeng Grade 8 student na naglalakad lang papasok sa paaralan sa Agoncillo, Batangas.

Base sa imbestigasyon na nangyari ang krimen sa Barangay Banyaga dakong 6:00 am.

Sinabi ni Police Major Broderick Noprada, Officer-in-Charge ng Agoncillo Police Station, na hindi inaakala ng mga tao na naroon sa pinangyarihan ng krimen na babarilin ng suspek ang bata at ang akala nila ay naghaharid lang din ito ng estudyante.

“Sa hindi malamang dahilan ay binaril niya ‘yung bata. ‘Yun nga ang akala kasi nila is parang naghahatid lang ng estudyante. Actually may isa nga dun na isang barangay tanod na nakabiruan pa ng suspek, kaso lang hindi niya masyadong namukhaan ‘yung suspek,” sabi ni Noprada.

Matapos ang krimen ay tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo.

Susuyurin naman ng kapulisan ang CCTV footage sa lugar at magsasagawa ng backtracking investigation para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

Sinabi naman ng kapatid ng biktima na wala silang alam na nakaaway ng dalagita, at wala rin sa kanilang naikuwento.

Humihingi ng agarang hustisya ang pamilya ng biktima. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here