Home NATIONWIDE Mga pahayag ni Topacio puro imbento – DOJ

Mga pahayag ni Topacio puro imbento – DOJ

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Department of Justice (DOJ) na hinikayat nito ang dalawang naarestong akusado sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo na tumestigo laban kay dating Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Sinabi ni DOJ Assistant Secretary Jose Dominic F. Clavano IV na walang katotohanan ang pahayag ng legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na kinausap ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang dalawang akusado sa kaso ng hindi kaharap ang mga abugado ng mga ito para umano pilitin na tumestigo laban Teves.

Iginiit ni Clavano na malakas ang mga ebidensya laban sa dating kongresista at kaya nitong tumayo sa Korte para makapagpalabas na ng hatol ang Korte.

Dapat na aniya itigil ng kampo ni Teves ang pagpapa-ikot sa isipan ng taongbayan at harapin na lamang ang kaso at harapin ang Korte.

Si Teves ay naaresto sa Timor-Leste nitong Marso habang naglalaro ng golf.

Gayunman, nananatili ito sa naturang bansa bunsod ng isinasagawang pagdinig ng Korte sa kanyang pag-aresto.

Si Teves ay nahaharap sa 10 bilang ng kasong murder, 12 bilang ng frustrated murder at apat na bilang ng kasong attempted murder sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51. Teresa Tavares