Home METRO 3 durugista tiklo sa P120K na damo sa QC

3 durugista tiklo sa P120K na damo sa QC

MANILA, Philippines – NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong durugista at tulak ng marijuana matapos na kumagat sa isinagawang buy-bust operation kahapon, Agosto 3 sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang mga inaresto na sina Jericho Sitjar, 21 anyos, residente ng D-164 Area C NIA Rd., Brgy. Pinyahan, Q.C., Via Quita Pogonia, 24, ng 049 Legaspi St group 5 payatas B, Q.C. at Danny Tabujara Paez, 28, nakatira sa D-165 Area C NIA Rd., Brgy. Pinyahan, Q.C.

Ayon kay Kamuning Police Station 10 commander PLTCOL Robert Amoranto, dakong 3:30 ng hapon (August 3) nang isagawa ang drug operation sa pangunguna ni PLT Jorge Villanueva sa D-164, Brgy. Pinyahan, Q.C.

Isang pulis ang bumili ng halagang P500 na marijuana at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa tatlo ang apat na maliliit na transparent plastic at isang malaking plastic na naglalaman ng halos isang kilong marijuana na nagkakahalagang P120,000, 2 cellphone, isang bag pack gayundin ang buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz