Home METRO 8 durugista laglag sa P13K shabu sa ginibang drug den sa Bulacan

8 durugista laglag sa P13K shabu sa ginibang drug den sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang walong indibidwal na umano’y nahulihan ng P13,600 halaga ng iligal na droga matapos mabuwag ang drug den sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang mga suspek na sina Orlando Briones, 42, Mark Christian Calipayan, 35, John Rico Aguilos, 18, Neptune Añuevo 40, Jeffrey Ducoy, 24, Aira Kenneiker, 20, Riza Canonigo, 22 at Rowena Evite, 51.

Sa report ni SJDM Acting chief of police P/Lt. Col. Ariel Narboada, ikinasa ang operasyon bandang 5:40 ng hapon nitong Agosto 3 sa Brgy. Bagong Buhay 1, Area B, Purok 7.

Ayon sa report, nabilhan umano ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu ng poseur buyer sina Orlando at Mark habang ang iba nahulihan din at humihithit sa lugar kaya agad silang inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang 14 piraso ng small sachets na pinaghihinalaang shabu, kabilang ang buy-bust item na tumimbang ng 2 gramo na may halagang P13,600, 2 pirasong lighter, improvised bulb tooter at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang himpilan. Dick Mirasol III