Home NATIONWIDE 2 pang kaso ng EG.5 subvariant ng Omicron naitala sa bansa

2 pang kaso ng EG.5 subvariant ng Omicron naitala sa bansa

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) na 703 kaso pa ng Omicron Covid-19 sub-variants ang natukoy, dalawa rito ay nauri bilang EG.5.

Sa pinakahuling biosurvellaince na iniulat ng DOH, lumabas sa sequencing result ng Research Institute for Tropical Medicine, University of the Philippines – Philippine General Hospital Main at Mindanao na 768 samples ang sinuri mula Hulyo 26 Hanggang Agosto 1.

Karamihan sa mga kaso ay kabilang sa XBB sub-variants ng Omicron na may kabuuang 647.

Kabilang rito ang 41 kaso ng XBB.1.5; XBB.1.16 na may 181 kaso; XBB.1.9.1 na may 140 kaso at 228 kaso naman na XBB.2.3.

Ang iba naman ay XBB sublineages na may 50 kaso.

Pitong kaso rin ang nauri bilang XBB.1.9.2 kabilang ang dalawang EG.5 subvariants na nagdala sa kabuuang 10.

Ayon sa DOH, ang EG.5 ay inuri ng World Health Organization (WHO) na variant under monitoring.

Gayunman, ipinaliwanag ng DOH na ang EG.5 ay nagpapakita na walang pagkakaiba sa kalubhaan ng sakit at clinical manifestations kumpara sa orihinal na variant ng COVID-19 Omicron.

Samantala, 35 pang impeksyon ang inuri bilang BA.2.3.20, 15 bilang BA.5, dalawa bilang XBC at isa bilang CH.1.1 at tatlo pang na-tag bilang “iba pang mga sublineages ng Omicron”. Jocelyn Tabangcura-Domenden