Home NATIONWIDE Lingayen, Pangasinan nasa state of calamity na rin

Lingayen, Pangasinan nasa state of calamity na rin

MANILA, Philippines – Idineklara na rin sa ilalim ng state of calamity ang Lingayen, Pangasinan nitong Biyernes, Agosto 4 dahil sa epekto ng southwest monsoon o habagat at bagyong Egay.

Sa ilalim ng Sangguniang Bayan passed Resolution No. 475, S-2023, pinapayagan ang lokal na pamahalaan na gamitin ang quick response fund nito upang tulungan ang lahat ng 32 barangay sa Lingayen na apektado ng malawakang pagbaha.

“Whereas, heeding the urgency of the request, the Sangguniang Bayan deemed it imperative to declare the Municipality of Lingayen under the state of calamity in order to utilize the QRF to give aid to the victims of the two succeeding typhoons and habagat,” saad sa resolusyon.

Matatandaan na nauna nang inilagay sa state of calamity ang Dagupan City at Calasiao, Pangasinan dahil din sa mga pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan dahil sa habagat. RNT/JGC