Home HOME BANNER STORY 3 excise tax complaints vs mga Discaya ibinasura ng DOJ

3 excise tax complaints vs mga Discaya ibinasura ng DOJ

161
0

MANILA, Philippines – Walang pananagutan sa hindi pagbabayad ng buwis ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa ilang mga luxury vehicles, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Ipinaliwanag ni Justice spokesperson Polo Martinez na tinanggal ng DOJ ang tatlong reklamo kaugnay sa excise tax laban sa mga Discaya.

Ayon kay Martinez na ang excise tax ay binabayaran ng importer.

Dagdag pa niya, nakita ng panel na hindi importer sila Sarah at Curlee kaya hindi sila liable para sa hindi nila pagbabayad ng excise tax.

“Ang may liability po magbayad ng excise tax would be ‘yung nag import talaga. Kung kanino binili ang mga kotse,” sabi ni Martirez.

“Nakita po ng panel na hindi po importer sila Sarah and Curlee, kaya hindi sila liable sa hindi pagbabayad ng excise tax. Ang may obligasyon po na magbayad ng excise tax ay ‘yung nag-import talaga, kung kanino binili ang mga kotse,” ani Martinez.

Ang mga kaso ay may kinalaman sa Land Rover/Range Rover at Cadillac Escalade para sa unang kaso; Land Rover at Mercedes Benz para sa ikalawang kaso; at isang Mercedes Benz para sa ikatlong kaso.

Ang mga ito ay bahagi ng limang tax cases laban sa mag-asawang Discaya na sumailalim sa preliminary investigation sa DOJ.

Samantala, dalawang kaso ang isasampa sa Court of Tax Appeals.

“Nilihim nila ang kanilang tunay na kita sa kanilang ITRs para sa dalawang taxable years, 2020 at 2021. Ang concealment na ito ay ginawa nila bilang sole proprietors—si Curlee Discaya para sa St. Gerard Construction, at si Sarah Discaya bilang single proprietor,” ani Martinez.

Si Sarah ay kasalukuyang nakakulong sa Lapu-Lapu City Jail habang si Curlee ay nasa kustodiya ng Senado.

Noong Disyembre 2025, sinampahan ng Office of the Ombudsman si Discaya at iba pa kaugnay sa isang P96.5-milyong ghost flood control project sa Davao Occidental.

Siya ay nag-plead ng not guilty sa graft at malversation. Jocelyn tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here