MANILA, Philippines – Sinabihan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga emisaryo ni dating Ako Bicol Party-List Representative Zaldy Co na dapat ay handa itong magbalik ng bilyon-bilyong pisong pera ng bayan kung seryoso itong makipag-usap sa pamahalaan.
“I actually gave them a figure to chew on if they want to talk,” sinabi ni Remulla.
“Billions, of course,” dagdag pa nito.
Ani Remulla, kasama dapat sa usapan ang restitution.
“Sabi ko naman sa kanila, dapat ‘yan ang una nating isama sa usapan. Ano ‘yun, makikipag usap ka, wala kang kasalanan, tapos wala kang ibibigay, wala kang isosoli,” sinabi pa ni Remulla.
“Ano pag uusapan natin? Wala kayong paguusapan, ano pa paguusapan niyo kung wala kayo isosoli?”
Matatandaan na si Co ay nagtungo sa abroad para sa medical reasons noong 2025 ngunit hindi na bumalik ng bansa. Ito ay kasabay ng malversation at graft charges na inihain laban sa kanya sa P289 milyong substandard road dike project sa Oriental Mindoro.
Kasunod nito ay idineklara ng Sandiganbayan si Co bilang “fugitive from justice” at inisyuhan ng warrant of arrest.
Batay sa apostille na inilagay sa petisyon, si Co ay nasa Stockholm, Sweden noong Enero 15.
Ani Interior Secretary Jonvic Remulla, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa Swedish authorities.
Sinabi ni Remulla, may mataas na tsansa na mabawasan ang sentensya kay Co kung magbabalik ito ng pera sa pamahalaan.
Samantala, wala pa namang hinihinging anumang kondisyon ang kampo ni Co.
“Wala namang kondisyon. Sabi ko nga, ako makikipag usap ako kung kinakailangan.”
“Meron daw kaibigan si Zaldy Co na pari na kasama sa kakausapin namin… He was a seminarian, so ‘yung classmate niya na naging pari, ‘yun ang nag broach ng idea,” pagbabahagi pa ni Remulla. RNT/JGC