MANILA, Philippines – May mataas na tsansang maging tropical depression ang isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na 24 na oras.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,370 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao at wala pang direktang epekto sa bansa.
Maaaring pumasok sa PAR ang LPA ngayong araw at tatawaging “Basyang” kung mabuo bilang tropical depression. RNT/JGC