VATICAN – Ipinadala sa Vatican City sina Cardinals Luis Antonio Tagle, Jose Advincula, at Pablo Virgilio David — ang tatlong Filipino cardinals na kwalipikadong pumasok sa Vatican conclave — para sa inaasahang papal election, sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Sina David, Tagle, at Advincula ay kabilang sa 133 cardinals na karapat-dapat na bumoto, at iboto bilang, ang ika-267 na papa, sinabi nito sa isang ulat ng balita na nai-post sa website nito nitong Martes, Mayo 6.
Sinabi ng CBCP na ang 133 cardinals ay nasa St. Peter’s Basilica alas-10 ng umaga (oras ng Roma), Mayo 7 para sa Misa para sa halalan ng pontiff.
Ganap na alas-4:30 ng hapon sisimulan ang pagpasok sa Sistine Chapel habang kakantahin naman ang Litany of Saints na sinusundan ng pag-awit ng Veni Creator Spiritus upang humingi ng patnubay ng Banal na Espiritu.
Isang round ng pagboto ang inaasahan sa gabi ng Mayo 7 na susundan ng dalawa pang round ng pagboto sa mga susunod na araw.
Ang two-thirds majority o 89 na boto ay kailangan uang mahalal ang susunod na papa.
Susunugin sa makeshift stove malapit sa pinto ng chapel na konektado sa chimney ang balota at voting records — bilang senyales ng resulta ng conclave.
Itim na usok para sa inconclusive vote at puting usok kapag may nahalal nang papa. Jocelyn Tabangcura-Domenden