Home NATIONWIDE E-cigarettes, nicotine pouches, heated tobacco may alok na paraan para huminto sa...

E-cigarettes, nicotine pouches, heated tobacco may alok na paraan para huminto sa paninigarilyo

MANILA, Philippines – Ang vapes, heated tobacco, nicotine pouches at iba pang smoke-free harm reduction products ang pinaka-epektibong tool upang huminto sa paninigarilyo, ayon sa report ng W orld Vapers Alliance.

Sa katunayan, natuklasan sa report na ang vaping ay makalawang ulit na epektibo para sa paghinto sa paninigarilyo bilang ‘nicotine replacement therapies.’

Ang National Health Service sa United Kingdom ay nagsimula nang sumubok sa pamamagitan ng pagbibigay ng e-cigarettes sa mga naninigarilyo.

Sinabi ng WVA na makikita sa siyentipikong pag-aaral na gumagana ang harm reduction. idinagdag pa nito na ang e-cigarettes ay hindi bababa sa 95% na hindi gaanong nakapipinsala kaysa sa tradisyonal na sigarilyo, isang pagkakatuklas na suportado ng Public Health England.

Sa report ng “Rethinking Tobacco Control: 20 Harm-Reduction Lessons the FCTC Should Take Note Of,” winika ng WVA na ang Framework Convention on Tobacco Control ng World Health Organization, nag-marka ng ika-20 anibersayo ngayong 2025, dapat ikonsidera ang mga harm reduction tools upang matulungan ang mga naninigarilyo na huminto.

Ipinakita naman sa human biomarker studies ang harm-reduction potential o potensyal na pagbabawas ng pinsala ng smoke-free alternatives.

Ipinakita pa rin sa siyentipikong pag-aaral na ang pangunahing dahilan ng smoking-related diseases ay ang ‘combustion’ o pagdiringas n g tobako, na naglalabas ng libo-libong toxic chemicals. Inaalis ng smoke-free nicotine products ang combustion, kaya nababawasan ang exposure sa nakapipinsalang sangkap.

Sa pagsasalita ni French oncologist Dr. David Khayat, sa Cypriot newspaper Phileleftheros, sinabi nito na ang paglipat ng mga naninigarilyo sa mga smoke-free alternative ay maaaring magpababa o mabawasan ang panganib sa kanser.

Tinukoy nito ang siyentipikong pag-aaral na nagpapakita na ang bilang at konsentrasyon ng mga sangkap na na-produce mula sa paninigarilyo ay may kaugnayan sa mataas na temperatura na nangyayari sa panahon ng kombustiyon.

Sinang-ayunan naman ng Nicotine Consumers Union of the Philippines ang nasabing report, sabay sabing ang mga naninigarilyo ngayon ay may maraming opsyon.

“Whether it is e-cigarettes, heated tobacco or nicotine pouches, consumers should be allowed to choose products which are less harmful to them,” ayon kay NCUP President Anton Israel.

Ang mga mananaliksik mula sa Brighton and Sussex Medical School ay naglathala ng isang pag-aaral sa Oxford Academic noong February 2024, nagpapakita na ang mga naninigarilyo na kinikilala ang vaping bilang ‘less harmful’ o hindi gaanong nakakapinsala kaysa sa paninigarilyo ay mas malamang na lumipat o gawin ang paglipat pagkalipas ng anim na taon.

Ang pananaliksik, suportado ng U.K. Medical Research Council, Wellcome, University of Bristol, Cancer Research U.K. at Society for the Study of Addiction, binigyang-diin ang pangangailagan na itama ang ‘public misperceptions’ hinggil sa vaping.

Iniulat naman ng WVA ang mga matagumpay na kuwento mula sa mga bansang gaya ng Sweden, United Kingdom at New Zealand, na nagpapakita na ang evidence-based approaches ay maaaring maging daan sa pagbabawas sa smoking rates.

In-adopt ng mga nasabing bansa ang “evidence-based, risk-proportionate approaches sa tobacco harm reduction” na nagreresulta sa makabuluhang pagbawas sa adult smoking rates.

“As we move forward, it’s crucial to embrace these evidence-based approaches that can save lives and improve public health outcomes.

Policymakers should consider the full spectrum of harm-reduction tools available, including vaping products with a variety of flavors and nicotine pouches, to provide smokers with the best possible chance of quitting,” ayon sa report.

Itinatag ang WVA para idepensa ang vaping sa pamamagitan ng pagbibigay ng plataporma para marinig ang boses ng mga vaper.

Sinusuri ng bagong ulat nito ang napalampas na mga pagkakataon at binigyang diin ang mga aral na maaaring magpabilis sa progreso tungo sa isang smoke-free world, nakatutok sa harm reduction sa tobacco control. RNT