Home METRO 3 HS studes nahulihan ng marijuana!

3 HS studes nahulihan ng marijuana!

LUCENA CITY- Nahulihan umano ang tatlong 15-anyos na kalalakihan ng marijuana sa high school sa isang barangay sa Balayan, Batangas nitong Biyernes, ayon sa mga awtoridad.

Iniulat ng Region 4A police nitong Sabado na nahuli ng isang lalaking guro ang dalawang estudyante na hihithit ng ilegal na droga sa loob ng isang palikuran sa Balayan National High School sa Barangay District 11 bandang alas-10:30 ng umaga.

Nakatakas ang isa sa mga estudyante. Tinukoy naman ng isa ang dalawa niyang kasabwat, na pinulong kasama ang school authorities.

Isinuko ng mga estudyante ang isang plastic sachet ng marijuana at improvised glass tube na gagamitin sana nila sa pot session.

Dahil mga menor-de-edad, itinurn-over ang tatlong suspek sa lokal na social welfare and development office habang inihahanda ang drug charges laban sa kanila. RNT/SA