Home METRO 3 katao laglag sa P860K shabu sa Quezon

3 katao laglag sa P860K shabu sa Quezon

MANILA, Philippines – TATLO katao ang inaresto kabilang ang isang babae makaraang makumpiskahan ng hinihinalang shabu na humigit kumulang sa halagang P860,000 sa dalawang magkahiwalay na operasyon nitong Biyernes at Sabado, Abril 5, sa Lucena City, Quezon.

Ang mga naarestong suspek na kapwa kabilang Sa High Value Individual at nahaharap sa kasong Section 5 ang 11 RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002) ay kinilala sa mga alyas na Rey, Michael, at Yna, na pawang mga nasa hustong gulang at
residente ng nabanggit na lalawigan.

Batay sa report na dumating sa tanggapan ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon, kung saan nagsagawa ng buy-bust operation ang
pinagsanib na puwersa ng Quezon Drug Enforcement Unit Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit 4A, Lucena Component City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA4A) sa pamamagitan ng posuer buyer.

Napag-alaman na naunang naaresto ang suspek na sina alyas Michael at Yna matapos na makumpiskahan ng halagang P659,600.00 at marked money.

Samantalang kasunod na nadakip ang suspek na si alyas Rey ng dakong alas-4:00 ng (April 5, 2025) kung saan narekober sa suspek ang hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng P204,000.00 gayundin ang ginamit na marked money ng poseur buyer.

“I would like to commend the relentless efforts of our drug operatives in upholding the law and protecting the community from the dangers posed by illegal drug activities. Their unwavering commitment sends a strong message in our ongoing fight against drug-related crimes,” ani PBGen. Lucas.

Nabatid sa ulat na ang kabuuang narekober sa tatlong suspek ay nasa 127 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P863,000.00. Ellen Apostol