PANGASINAN-Arestado ang tatlong lalaki matapos na maaktuhan ng mga awtoridad ang ginagawa nilang pagputol ng mahogany tree gamit ang hindi rehistradong chainsaw sa bayan ng San Nicolas ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 18.
Ayon sa San Nicolas Municipal Police Station, ang tatlong naaresto ay pawang mga residente ng naturang bayan na ang edad ay 36, 25, at 32.
Nabatid na rumesponde ang personnel ng San Nicolas MPS sa reported alleged illegal logging at pagdating nila sa erya ay naaktuhan nila ang tatlong suspek na pinuputol ang isang mahogany tree.
Dahil dito, inaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek at kinumpiska nila ang mga ebidensya.
Pagkatapos nito ay agad na nakipag-unayan sa MENRO ang mga awtoridad para sa inventory at markings ng mga nakumpiskang ebidensya.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isang unregisterd na chainsaw at five (5) pieces of cut mahogany lumber (tabla) na may sukat na 2×20 by 6 ft, 2×17 by 6 ft, at 2X12 by 6ft.
Kasong paglabag sa PD 705 at RA 9175 (Chain Saw Act of 2022) ang kahaharapin ng mga suspek. Rolando S. Gamoso