MANILA, Philippines – Tatlong munisipalidad sa Aklan ang nasa ilalim ng red zone category dahil sa African Swine Fever, habang ang 12 iba pang bayan ay nasa pink zone o buffer zone.
Ayon sa ulat ng Department of Agriculture – Bureau of Animal Industries, ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng red zone o mga lugar na may kumpirmadong kaso ng ASF:
Ibajay
Altavas
Tangalan
Habang ang mga sumusunod na lugar naman ay nasa ilalim ng pink zone o buffer zone, na nangangahulugang ASF-free ang mga ito ngunit nasa loob ng probinsya o lugar na malapit sa Red Zones:
Kalibo
Malinao
Libacao
Balete
Madalag
Makato
Banga
New Washington
Numancia (downgraded from red)
Lezo (downgraded from red)
Batan (downgraded from red)
Nabas (downgraded from red)
Malay (downgraded from red)
Habang nananatili naman sa yellow zone o surveillance zone dahil sa high risk ng ASF sa malaking populasyon na sangkot sa swine at pork trade.
Patuloy na minomonitor ng DA ang sitwasyon ng ASF sa mga nabanggit na lugar. RNT/JGC