Home NATIONWIDE Angara tiwala sa salary hike ng mga guro sa PBBM admin

Angara tiwala sa salary hike ng mga guro sa PBBM admin

158
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kumpiyansa si Education Secretary Sonny Angara nitong Sabado, Hulyo 20 na makakukuha ng dagdag sa sahod ang mga guro sa pampublikong paaralan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsasabing kinikilala ng Pangulo ang mga guro bilang sentro ng education system.

Matapos ang oath-taking niya nitong Biyernes, Hulyo 19, dalawang beses na umanong nakausap ni Angara ang Pangulo kaugnay sa direksyon ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanyang liderato.

“Binanggit niya na yung mga teachers talaga ang gitna ng sistema, alagaan yung mga teachers, yung kanilang mga benepisyo,” ani Angara.

Ang dagdag sa sahod ay lagi umanong “constant need of our teachers,” aniya.

“It’s only a question of how much and when tataas yan pero I’m confident during the Marcos administration na tataas ang suweldo nila,” dagdag ni Angara.

Hindi naman nagbigay ng eksaktong halaga si Angara sa posibleng salary hike, ngunit hindi nito sinang-ayunan ang panukalang ang maging entry level salary ng public school teachers ay P50,000.

“I don’t think so kasi ang current entry level [salary] is P27,000,” aniya.

“Kung P23,000 [increase] times 900,000 [teachers], mas mataas pa yun sa national budget sa totoo lang,” dagdag ni Angara.

Sinabi ng Education chief na tinitingnan din ng Pangulo ang paglikha ng mga bagong ranggo sa public school teachers para mapabilis ang kanilang promotion.

“In my initial consultations with the teachers, ang sinasabi nila kasi ang tagal bago ma-promote, 15 years na [nagtuturo] teacher 1 pa lang kami,” ani Angara.

“We have to work at it from different angles, ‘yung teacher’s training, teacher’s promotion,” dagdag pa niya.

“Dapat motivated ang ating mga teachers kaya we will activate yung mga teacher education council, yung trainings nila,” pagpapatuloy nito.

Bukod sa mga benepisyo at kapakanan ng mga guro, nais din ng Pangulo na mapabuti ng DepEd ang test scores ng mga estudyante at “employability of senior high school students.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here