MANILA, Philippines – Tatlong lugar na ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa Tropical Depression Bising na bahagyang lumakas habang nasa kanluran ng extreme Northern Luzon.
Sa 11 a.m. updated ng PAGASA nitong Biyernes, Hulyo 4, huling namataan ang Tropical Depression Bising sa layong 280 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan at kumikilos sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Taglay nito ang lakas na hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.
Isinailalim sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
Western portion ng Babuyan Islands (Calayan Isl. at Dalupiri Isl.)
Western portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin, Dumalneg, Bacarra, Laoag City, Paoay, Currimao, Badoc, Pinili)
Northwestern portion ng Ilocos Sur (Caoayan, City of Vigan, Santa Catalina, San Vicente, Santo Domingo, Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait, San Ildefonso)
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Bising ngayong hapon ngunit posibleng pumasok muli sa Linggo ng umaga.
Maaari naman itong lumakas bilang isang tropical storm pagsapit ng Sabado at kumilos patungo sa Taiwan. RNT/JGC