Home METRO 3 most wanted arestado ng NCRPO sa loob ng isang araw

3 most wanted arestado ng NCRPO sa loob ng isang araw

324
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tatlo sa 10 most wanted person sa Metro Manila sa tatlong magkahiwalay na operasyon sa Bulacan, Albay at Malabon.

Sinabi ni NCRPO director Maj. Gen. Anthony A. Aberin na ito ang ika-5 most wanted person na unang naaresto sa operasyon ng mga operatiba ng Eastern Police District (EPD) sa Bocaue, Bulacan noong Miyerkules, Oktubre 1.

Ang 46-anyos na suspek, na nahaharap sa kasong panggagahasa na walang inirekomendang piyansa, ay nahuli bandang alas-2:45 ng hapon.

Bandang alas-3 ng hapon sa parehong araw naman naaresto ang isang 44 anyos na lalaki sa Daraga, Albay, ang pangatlong most wanted sa Metro Manila, na nahaharap din sa apat na kaso ng panggagahasa.

Habang ang 42 anyos na lalaki na tinaguriang most wanted sa Metro Manila sa Barangay Catmon, Malabon ay naaresto sa kasong murder.

Pinuri naman ni Aberin ang kanyang mga tauhan sa pagsunod sa kanyang utos na agad na arestuhin ang mga nasa wanted list at paigtingin ang kampanya laban sa mga pugante.

Mula nang NCRPO chief, binigyang-diin ni Aberin ang pangangailangang tumuon sa mga most wanted persons at mga pugante na sinasabing karamihan sa kanila ay paulit-ulit na nagkasala.

Sa loob lamang ng isang linggo, inaresto ng NCRPO ang lahat ng 10 most wanted na lalaki sa Metro Manila noong Pebrero. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here