MANILA, Philippines – Tatlong tao ang inaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group sa magkahiwalay na operasyon dahil sa pagbebenta ng pekeng government ID online.
Si “Marie” ay nahuli sa isang entrapment operation sa Quezon City noong Peb. 5 matapos magbenta ng pekeng PhilHealth at tax identification cards sa Facebook. Sa Zamboanga City, nadakip rin noong Peb. 9 ang mga suspek na sina “Chan” at “Nica” sa parehong modus.
Inamin ng mga suspek na nakabenta na sila ng mahigit 20 pekeng ID sa halagang PHP600 kada isa.
Nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na iulat ang ganitong cybercrimes, babala rin nila na maaaring magamit ang pekeng ID sa panloloko at iba pang ilegal na gawain. Santi Celario