Home NATIONWIDE 3 natitirang Pinoy sa hinarang na Portuguese ship pinalaya na ng Iran

3 natitirang Pinoy sa hinarang na Portuguese ship pinalaya na ng Iran

158
0

IRAN – Pinalaya na ng Iranian authorities ang tatlong nalalabing Filipino crew members ng hinarang na Portuguese-flagged vessel sa Strait of Hormuz noong Abril.

“Ang magandang ulat dito, hindi lang namin inanunsiyo pero quietly iyong tatlo na natira doon sa MSC Aries, that was seized by the Iranian Revolutionary Guard sa Strait of Hormuz ay nakauwi na – nakauwi na silang tatlo,” saad sa anunsyo ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Cacdac nitong Sabado, Agosto 3.

“Iyong tatlo nakauwi kamakailan lamang…noong mga Huwebes,” dagdag pa niya.

Noong Abril 13, hinarang ng Iranian authorities ang Portuguese-flagged MSC Aries habang tumatawid sa Strait of Hormuz, malapit sa Gulf of Oman.

Sinabi ng Iran na ang container ship ay may kaugnayan sa Israel.

Ang naturang barko ay may kabuuang 25 crew members, kung saan apat ay mga Filipino.

Noong Mayo ay nauna nang pinalaya ng Iran ang isang Filipino crew member mula sa MSC Aries. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here