Home METRO 3 natusta sa sunog sa Marikina 

3 natusta sa sunog sa Marikina 

MANILA, Philippines- Nasawi ang tatlong indibidwal sa sunog sa residential area sa Concepcion Uno, Marikina City, habang tatlo pa ang sugatan.

Batay sa inisyal na Bureau of Fire-Metro Manila, sumiklab ang sunog sa isang bahay sa E. Santos Street dakong alas-8:04 ng umaga.

Umabot sa unang alarma ang sunog na tumagal ng mahigit isang oras bago tuluyang naapula bandang alas-9:44 ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang mga sugatan habang tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi sa insidente. RNT/SA