Home ENTERTAINMENT Katherine, napatawad na ni Coco, ipagagamot at isasama sa BQ!

Katherine, napatawad na ni Coco, ipagagamot at isasama sa BQ!

Manila, Philippines- Forgiveness flows in the heart of Coco Martin.

Sa kabila kasi ng “atraso” sa kanya ng dating karelasyong si Katherine Luna ay willing itong tulungan ng aktor.

Napaniwala kasi ni Katherine na si Coco ang ama ng ngayo’y 20 anyos nang anak niyang babae.

But it turned out na hindi pala, kaya hiyang-hiya ang dating aktres.

Gayunpaman, naantig daw ang damdamin ni Coco nang mapanood nito ang panayam ni Julius Babao kay Katherine.

Malayo sa kaginhawaan ngayon ang kalagayan ni Katherine.

Kallangan ding gamutin ang kanyang mga mata.

Moved by her story, nangako si Coco through his manager and Ogie Diaz na nais niyang tulungan si Katherine.

Bukod sa pagpapagamot sa mga mata nito’y willing din si Coco na isama si Katherine sa Batang Quiapo.

‘Yun daw ay para magkaroon ng pagkukunan bilang pantustos sa mga pangangailangan ng pamilya nito.

Bumida noon si Katherine sa Ang Babae sa Breakwater.

Gusto lang tiyakin ni Coco na hindi na muling babalik sa masamang bisyo ang sayang pa namang aktres. Ronnie Carrasco III