Home METRO 3 obrero patay sa sulasok sa manhole sa QC

3 obrero patay sa sulasok sa manhole sa QC

Image Representation Only

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong manggagawa ng isang construction firm matapos na mahulog at ma-suffocate sa 14-meter-deep sewer manhole sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi, Marso 22, iniulat ng pulisya.

Kinilala ng mga imbestigador ng pulisya ang mga biktima na sina Arnel dela Peña, 55; Cedie Paligutan, 26, at Gabriel Constantino, na mga manggagawa ng Andem Construction Co.

Nasawi ang mga biktima sa manhole sa ilalim ng flyover sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Barangay Loyola Heights dakong alas-10:30 ng gabi.

Ang mga biktima at kanilang superbisor ay ipinadala upang magsagawa ng infiltration at exfiltration test sa bagong gawang manhole.

Si Dela Peña ang unang bumaba ngunit siya ay bumagsak sa landing platform.

Sa halip na tumawag ng mga rescuer mula sa Bureau of Fire Protection at lokal na pamahalaan, inatasan ng supervisor sina Paligutan at Constantino na iligtas si Dela Peña, ngunit bumagsak din ang mga ito.

Dead on arrival sa Quirino Memorial Medical Center ang mga biktima noong Sabado dakong 12:30 ng madaling araw.

Iniimbestigahan ng pulisya ang superbisor para sa kapabayaan. Santi Celario

Previous articleP20M droga nasabat sa Pasay
Next articlePertussis outbreak idineklara sa Iloilo