Home NATIONWIDE 3 OFWs, sugatan sa drone strike sa Kuwait International Airport

3 OFWs, sugatan sa drone strike sa Kuwait International Airport

3
0

KUWAIT, Kuwait – Tatlong overseas Filipino workers (OFWs) ang kabilang sa 60 kataong nasugatan sa drone strike sa Kuwait International Airport noong Hunyo 3, ayon sa Kuwaiti state media.

Batay sa CCTV footage, bumagsak umano ang isang drone sa paliparan na nagdulot ng pinsala sa istruktura at makapal na usok.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dalawa sa OFWs ang nagamot dahil sa smoke inhalation, habang isa naman ang nagtamo ng sugat sa ulo at kamay na kinailangang tahiin.

“All three have been visited by our Migrant Workers Office and the OWWA. One of them was hospitalized but has been released, and two received outpatient treatments and were also released from the hospital and are recovering,” ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.

Sinabi ng DMW na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon at inaasikaso na rin ang posibleng repatriation ng mga apektadong OFW habang nagpapagaling.

Nagpaalala rin ang ahensya sa mga OFW sa Kuwait na huwag munang lumabas ng bahay maliban kung kinakailangan.

Samantala, itinanggi ng Iran ang pananagutan sa insidente at sinabing maaaring US interceptor missiles ang dahilan ng pagkasira.

Ayon sa ulat, walang active alert level sa Kuwait, ngunit may limitasyon sa operasyon ng airspace kaya pinapayuhan ang pag-iingat.

Kasabay nito, iniulat din ang paglala ng tensyon sa Middle East matapos ang serye ng missile at drone attacks na kinasangkutan ng Iran at Estados Unidos, bagaman sinasabi ng US military na walang naitalang pinsala sa kanilang mga base. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here