Home NATIONWIDE Luistro naniniwala sa kakayahan ni Gatchalian na pamunuan impeachment trial vs VP...

Luistro naniniwala sa kakayahan ni Gatchalian na pamunuan impeachment trial vs VP Sara

1
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Batangas Rep. Gerville Luistro na may kakayahan si acting Senate President Sherwin Gatchalian na pamunuan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, kahit hindi siya abogado.

Sa isang online interview, sinabi ni Luistro na maaaring magdesisyon ang Senado kung si Gatchalian mismo ang uupo bilang presiding officer o maghalal ng ibang senador para manguna sa impeachment proceedings.

“Either he himself will preside over the impeachment trial, or the Senator-judges can decide to elect somebody,” aniya.

Bilang lead public prosecutor, sinabi rin ni Luistro na may tiwala siya kay Gatchalian: “I think he can preside over the impeachment trial, notwithstanding the fact that he is a non-lawyer…”

Ayon sa kanya, mahalaga ang kakayahang matuto ng mga rules kahit hindi abogado.

Tradisyonal na ang Senate president ang nagsisilbing presiding judge sa impeachment trial, maliban kung ang Senate president mismo ang nililitis.

Sa kasaysayan, mga dating impeachment tulad ng kay Chief Justice Renato Corona ay pinangunahan ng noo’y Senate President Juan Ponce Enrile, habang sa kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada ay si Chief Justice Hilario Davide Jr. ang presiding officer.

Sa kasalukuyan, iilan lamang ang mga abogado sa Senado, kabilang sina Francis “Chiz” Escudero, Francis “Kiko” Pangilinan, Rodante Marcoleta, Pia Cayetano, at Alan Peter Cayetano.

Samantala, patuloy ang tensyon sa Senado sa gitna ng mga pagbabago sa liderato, committee reorganizations, at magkakasunod na sesyon at hindi pagkakaunawaan ng mga bloc. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here