Home METRO 2 tiklo sa sugal, droga sa Caloocan

2 tiklo sa sugal, droga sa Caloocan

1
0

MANILA, Philippines – Tiklo ang dalawang lalaki nang maaaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan pa ng aabot sa P272K halaga ng umano’y shabu ang isa sa kanila sa Caloocan City, napaulat kahapon.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang mga suspek na sina alyas “Jerome”, 37, at alyas “Henry”, 44, kapwa ng PNR Compound, Brgy., 73, ng lungsod.

Nabatid na habang nagsasagawa foot patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station 3 sa DM Compound, Brgy., 73, nang maaktuhan nila ang isang grupo ng kalalakihan na naglalaro umano ng sugal na ‘cara y cruz’ dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Nang kanilang lapitan, nagpulasan sa magkahiwalay na direksyon ang mga ito subalit, nagawang maaresto ng mga pulis ang dalawa sa kanila habang nakatakas naman ang isa.

Nakumpiska sa mga suspek ang P600 bet money at pangara habang ang isang knot-tied transparent plastic pack na naglalaman ng nasa 40 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272,000 ay nakuha kay umano kay alyas Jerome.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here