Home NATIONWIDE Sexual abuse sa Simbahan, “open wound” pa rin – Pope Leo

Sexual abuse sa Simbahan, “open wound” pa rin – Pope Leo

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pope Leo XIV na nananatiling “open wound” ang sexual abuse sa loob ng Simbahang Katolika habang sinisimulan niya ang kanyang state visit sa Spain, kung saan makikipagpulong din siya sa mga biktima.

Dumating ang 70-anyos na Papa sa Madrid at sinalubong nina King Felipe VI, Queen Letizia, at Prime Minister Pedro Sánchez.

Ayon sa Vatican, makikipagkita siya sa ilang biktima ng pang-aabuso ng mga klero, habang sinabi niya sa mga mamamahayag: “still an open wound”.

Tinatayang 200,000 menor de edad ang nakaranas ng abuso sa Spain mula 1940, batay sa ulat noong 2023 ng national ombudsman ng bansa. Nagkasundo na rin ang gobyerno at Simbahang Katolika sa Spain noong Marso para sa kompensasyon sa mga biktima.

Kasabay ng kanyang pagbisita, may nakatakdang prayer vigil malapit sa Santiago Bernabéu Stadium sa Madrid na inaasahang dadaluhan ng humigit-kumulang 400,000 kabataan.

Sinabi rin ng Papa na natutuwa siya sa lumalaking interes ng kabataan sa Simbahan, ngunit kinikilala niya ang mga hamon ng modernong panahon, kabilang ang kompetisyon ng pananampalataya at kultura ng kabataan tulad ng concerts.

Nagpahayag din siya ng pag-aalala sa patuloy na digmaan sa Ukraine: “I am worried about Ukraine, every time the situation gets worse… It’s been four and a half years. We need to find a solution,” aniya.

Sa kanyang biyahe, magsasalita rin siya sa Spanish parliament at bibisita sa Canary Islands upang makipagkita sa mga migrante at sa mga tumutulong sa kanila, kasama si PM Sánchez, bilang paggunita sa mga namatay sa mapanganib na paglalakbay patungong Europe.

Tinatayang mahigit 1,000 migrante ang namamatay o nawawala kada taon sa ruta papuntang Spain mula Africa, ayon sa International Organization for Migration.

Sa gitna ng pagbisita, naka-deploy ang libu-libong pulis para sa seguridad, habang inaasahan ding haharap ang Papa sa isang “polarized country” kung saan may tensyon sa usapin ng immigration at politika. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here