Home NATIONWIDE Obispo sa mga Senador: Pagkakaisa, isulong; paglilingkod sa bayan, unahin

Obispo sa mga Senador: Pagkakaisa, isulong; paglilingkod sa bayan, unahin

1
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino, lalo na ang mga Senador, na isulong ang pagkakaisa at unahin ang paglilingkod sa bayan, hindi sa pansariling interes at kapangyarihan.

Dahil sa gulo sa Senado tungkol sa quorum at pamumuno, nanawagan si Bishop Pabillo na bantayan ng publiko ang mga kaganapan at samahan ito ng panalangin.

Ipinagdasal niya na gabayan ng Banal na Espiritu ang mga tao para makilala ang tama at mali, at magbagong-loob ang mga senador para hanapin ang kabutihan ng bayan, hindi posisyon o prestige.

Ikinalulungkot ng Obispo na naging sentro ng away sa Senado ang mga posisyon imbes na mga batas at programang makakatulong sa taumbayan. 

Ayon sa Simbahang Katolika, mahalaga ang tapat at makataong pamamahala na nakatuon sa kapakanan ng lahat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here