Home TOP STORIES 3 oil tanker ng IRGC, winasak ng US

3 oil tanker ng IRGC, winasak ng US

1
0

TEHRAN, Iran – Sinabi ng militar ng Estados Unidos nitong Sabado na tinamaan at winasak nito ang tatlong oil tanker na konektado sa Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) matapos magpaputok ng ballistic missiles ang Iranian military group laban sa dalawang barko ng US Navy.

Ayon sa United States Central Command (CENTCOM), matagumpay na naiwasan ng isang US aircraft carrier at isang guided-missile destroyer ang mga pag-atake at walang nasugatang Amerikanong tauhan.

“Following Iran’s failed attacks, CENTCOM (United States Central Command) permanently disabled the IRGC crude oil carriers M/T Downy off the coast of Kharg Island and M/T Stark 1 near Jask,” pahayag ng CENTCOM sa X.

Idinagdag nito: “American forces also completely destroyed the unladen crude oil carrier M/T Kylo… in the Gulf of Oman, striking the vessel in multiple critical locations to render it inoperable after the crew was directed to abandon ship.”

Ayon sa CENTCOM, bahagi umano ang tatlong tanker ng isang multibillion-dollar “shadow network” na ginagamit upang pondohan ang IRGC at mga kaalyado nitong grupo.

Ang M/T Downy ay tinamaan malapit sa Kharg Island, habang ang M/T Stark 1 ay tinamaan malapit sa Jask. Samantala, tuluyang winasak ang M/T Kylo sa Gulf of Oman matapos utusan ang mga tripulante nitong lumikas sa barko.

Patuloy namang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng US at Iran, lalo na sa paligid ng Strait of Hormuz, na mahalagang ruta ng pandaigdigang kalakalan ng langis. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here