Home METRO 3 parak na sugatan sa nag-amok ginawaran ng medalya

3 parak na sugatan sa nag-amok ginawaran ng medalya

244
0

AGUSAN DEL SUR- Bilang pagtupad sa sinumpaan nilang tungkulin, sugatan ang tatlong pulis habang inaawat ang ang isang amok na magsasaka sa Sitio Guitas, Barangay Bunawan Brook, Bunawan, nitong Mayo 29.

Nilapatan ng lunas sa ospital ang mga sugatan pulis na sina PEMSgt. Ronald Remy Abastillas, PMSgt. Frank Cercado, at PCpl. Rysan Dalayap.

Ayon kay Police Major Jennifer Ometer ng PRO-13, ang suspek na si Arman, 67, ay armado ng kutsilyo at nagwala dahil sa alitan sa pamilya.

Sa kabila ng mga sugat na tinamo ng tatlong pulis, nagawa pa rin nilang arestuhin ang suspek.

Bilang pagkilala sa ipinamalas nilang katapangan, binigyan sila ng pagkilala ni PRO-13 Director PBrig. Gen. Christopher Abrahano at ginawaran ng Medalya at tulong pinansyal.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Bunawan Municipal Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong direct assault upon persons in authority. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here