Home NATIONWIDE 3 party-lists nakakuha ng tig-3 pwesto sa 20th Congress – Comelec

3 party-lists nakakuha ng tig-3 pwesto sa 20th Congress – Comelec

183
0

MANILA, Philippines- Makakakuha ng tig-tatlong pwesto sa 20th Congress ang Akbayan, Duterte Youth at Tingog party-list habang ang ACT-CIS at Ako Bicol ay tig-dalawang pwesto, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ang unang tatlong nominado ng Akbayan ay sina Chel Diokno, Percival Cendana at Dadah Kiram Ismula. Ang unang tatlong nominado ng Duterte Youth ay sina Drixie Mae Suarez Cardema, Berlin Baday Lingwa at Ron Godfrey Waggawag Bawalan, habang ang tatlong nominees ng Tingog party-list ay sina Andrew Julian Romualdez, Jude Acidre at Happy Calatrava.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na magpapatuloy ang proklamasyon ng lahat ng 63 party-list representative ngayong Lunes. Ang mga partido na tumanggap ng hindi bababa sa 2 porsyento ng kabuuang mga boto para sa party-list system ay may karapatan sa isang upuan bawat isa.

Ang mga nabigong makakuha ng 2 porsyento ng mga boto sa dalawang magkasunod na halalan ay awtomatikong aalisin ang kanilang akreditasyon.

Pero kung nais nilang sumali sa susunod na eleksyon ay kailangan nilang maghain ng petition for accreditation, ayon kay Garcia.

Dagdag pa ni Garcia na hindi na rin tatanggapin ng Comelec ang mga party-list na ang pangalan ay base sa popular na TV shows o government assistance programs.

Nauna nang sinabi ng poll watchdog na Kontra Daya na ang mga nangungunang party-list group sa mga survey bago ang eleksyon ay may kaugnayan sa mga political clans, negosyo, at koneksyon sa militar.

“Political dynasties appear to dominate 4PS (Abalos), ACT-CIS (Tulfo and Yap), FPJ Bantay Bayan (Poe Llamanzares with Dolor and Paton families) and Tingog Sinirangan (Romualdez). Big business interests are apparent in Ako Bicol (Sunwest) and TGP (Teravera; contractor of DPWH projects). Duterte Youth has military connections which explains its track record for red- tagging,” diin ng poll watchdog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here