TAYUG, Pangasinan — Tatlong batang magkakapatid ang nasawi sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Barangay Magallanes noong Martes ng umaga, Pebrero 25.
Kinilala ang mga biktima na sina Jeniel, 6; James, 4; at Jennila, 3.
Ayon sa pulisya, iniwan sila ng kanilang ama na si Raymart at isinara ang bahay habang nagcha-charge ng cellphone sa bahay ng kapitbahay.
Pagbalik ni Raymart bandang 9:45 a.m., dinatnan niyang nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay.
Na-trap ang mga bata at nang ma-rescue ng mga bumbero, idineklarang patay ang mga ito sa Municipal Health Unit dahil sa suffocation.
Idineklara ng Bureau of Fire Protection na fire out na ang sunog bandang 10:10 a.m. Patuloy pa rin ang imbestigasyon para alamin ang sanhi ng insidente. RNT