MINGLANILLA, Cebu — Nauwi sa trahedya ang practice driving ng isang 34-anyos na rider matapos masawi ang kanyang 8-anyos na pamangkin nang magulungan ng truck noong Lunes ng gabi, Pebrero 24, 2025.
Ang biktima, na residente ng Cebu City, ay bumisita lamang sa kanyang lola dahil sa long weekend para sa Charter Day celebration.
Hindi alam ng ina ng bata na isinama siya ng tiyuhin sa practice driving gamit ang bago nilang motorsiklo — nagpaalam lamang ito sa lola ng bata.
Sa imbestigasyon ng Minglanilla Traffic Commission, nawalan ng balanse ang rider na naging sanhi ng pagkatumba ng motorsiklo.
Tumilapon ang bata sa gilid ng kalsada at eksaktong nadaanan ng truck na may kargang semento, na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Humingi ng paumanhin ang driver ng truck at sinabing hindi na niya naiwasan ang bata. Tinanggap naman ng ina ng biktima na isang aksidente ang nangyari at hindi na niya kakasuhan ang driver, sa kundisyong tutulungan sila sa gastusin para sa maayos na libing ng bata. RNT