Isang selebrasyon ng kaarawan ang nauwi sa aksidente matapos malapnos ang bahagi ng mukha ng isang babaeng Vietnamese nang magliyab ang hawak niyang hydrogen balloon na nadikit sa sindi ng kandila sa kanyang birthday cake.
Sa ulat, hawak ng babae ang maliit na cake na may sinding kandila sa isang kamay at ang hydrogen balloon sa kabila. Habang papalapit na siya para hipan ang kandila, aksidenteng nadikit ang lobo sa apoy at biglang nagliyab.
Dahil dito, nagtamo ang babae ng first at second-degree burns sa kanyang mukha. Nalapnos din ang kanyang talukap ng mata, bagamat hindi naapektuhan ang kanyang paningin.
Ayon sa biktima, hindi siya naabisuhan ng event organizers na may posibilidad na magliyab ang hydrogen balloon, hindi tulad ng karaniwang lobo na hangin lamang ang laman. RNT