Home METRO 3 paslit patay sa lunod sa Davao

3 paslit patay sa lunod sa Davao

DAVAO CITY – Tatlong bata ang nalunod sa dalampasigan sa North San Juan, Barangay Centro, Agdao dito noong Sabado, Abril 13.

Sa ulat ng pulisya, sinabi ng Sta Ana Police Station na tatlong lalaki, nasa edad 7, 6 at 4, ang iniulat na nawawala alas-2 ng hapon ng Sabado.

Nagsagawa ng search operation ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard.

Ang mga bangkay ng tatlong bata ay natagpuan ilang minuto sa pagitan ng 9:45 p.m. at 10:25 p.m. malapit sa coastal area ng Barangay Duterte.

Idineklara silang dead on arrival sa ospital. RNT