Home METRO 3 patay sa adobong pawikan, 28 iba pa naospital

3 patay sa adobong pawikan, 28 iba pa naospital

204
0

MANILA — Tatlong katao ang namatay at 28 iba pa ang naospital, pawang mula sa tribong Teduray, matapos kumain ng pawikan sa bayan ng Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao del Norte noong nakaraang Lunes, Nobyembre 25.

Batay sa mga ulat mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang nasawi sa insidente ay isang 68-anyos na lalaki at ang kanyang 48-anyos na anak, gayundin ang isang 56-anyos na lalaki.

Kabilang sa mga naospital ay anim na menor de edad at dalawang buntis.

Sinabi ng opisyal ng MDRRM na si Irene Dillo na binili ng mga apektadong residente ang pawikan sa halagang P300 at inadobo ito para sa kanilang tanghalian.

Ang mga kumain ng pawikan ay nakaranas ng pagsusuka, pagtatae, at pananakit ng tiyan, at isinugod sa Lebak District Hospital.

Sinabi ni Dillo na maging ang mga aso, pusa, at manok na kumakain ng pawikan ay namatay.

Binalaan ng mga awtoridad ang mga residente na huwag kumain ng wildlife, lalo na ang mga endangered o threatened species. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here