Home NATIONWIDE 37 election hot spot areas babantayan ng DILG

37 election hot spot areas babantayan ng DILG

116
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes na tinitingnan nito ang 37 lugar bilang posibleng hot spot para sa 2025 elections.

“Meron tayong 37 hot spots —28 nasa [Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao], meron sa 3rd and 4th District ng Leyte, meron din sa Central Luzon,” ani DILG Secretary Jonvic Remulla sa isang interbyu.

“Kaunti na lang kumpara sa dati. Pero sa pangkalahatan, hindi natin inaasahan ang marahas na halalan,” dagdag pa niya.

Noong Setyembre, inutusan ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Police General Rommel Marbil ang kanyang mga commander na simulan ang pagtukoy sa mga posibleng “election areas of concern” para sa 2025 polls.

Maliban dito, aalamin din ng PNP kung kakailanganin ng karagdagang tauhan para mag-deploy sa ilang lugar ngayong maaga sa pag-asam ng posibleng karahasan na may kinalaman sa eleksyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here