Home METRO 3 patay sa araro ng senglot na SK kagawad

3 patay sa araro ng senglot na SK kagawad

166
0

CEBU CITY- Patay ang tatlong katao habang sugatan ang tatlong iba matapos araruhin ang mga ito ng sasakyan ng isang kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) na umano’y lasing, kahapon sa bayan ng Carcar.

Kinilala ang mga nasawi na sina Klaudet Powao Tobilla, 22; Ian Flores 21; at Ronel Medina, 23 habang ang mga sugatan ay sina Alison Jose Santos, 27; Trisia Nicole Monter, 22; at Axel Dela Cerna, 18.

Kasalukuyan namang nasa lock-up facility ng Carcar City Police, ang suspek na si Rob Joseph Orias, ng Brgy. Liburon, Carcar City.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-2:55 ng hapon nang maganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Brgy. Valladolid, ng nabanggit na lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente, dalawang motorsiklo ang nagkabanggaan habang binabagtas ng mga ito sa naturang barangay road.

Minamaneho ni Minamaneho ni Flores ang kanyang pulang Rusi na motorsiklo, sakay si Dela Cerna nang bumangga ito sa itim na TMX Rusi na minamaneho ni Santos, na sakay ni Medina.Napadaan naman sa lugar si Monter, na nagmamaneho

ng Yamaha Aerox kasama si Tobilla, at huminto sa lugar ng aksidente upang tulungan ang mga nakabalagbag ng mga biktima sa kalsada.

Habang tinutulungan nina Monter at Tobilla ang mga biktima, nabangga sila ng Honda CRV na minamaneho ni Orias at nagtamo ang mga ito ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sinugod ang mga ito sa malapit na ospital ngunit idineklarang patay ng mga umatending sina Tobilla, Flores, at Medina.

Samantala, nanatiling naka-confine sina Monter, Santos at Dela Cerna, kasama sina Santos at Dela Cerna na nasa kritikal na kondisyon habang sinusulat ang ulat na ito.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente nadiskubre na lasing sa alak ang suspek.

Inihanda na ang posibleng patong-patong na kasong kahaharapin ni Orias. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here