Home NATIONWIDE Drug war ni Duterte tatalupan ng Blue Ribbon committee – Escudero

Drug war ni Duterte tatalupan ng Blue Ribbon committee – Escudero

104
0

MANILA, Philippines- Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Linggo na nagkasundo ang halos lahat ng miyembro ng Mataas na Kapulungan na paiimbestigahan sa Senate Blue Ribbon Committee ang drug war sa Duterte administration.

Sa panayam, sinabi ni Escudero na natatangi ang Blue Ribbon committee na maaaring maglunsad ng motu propio probe kahit naka-bakasyon ang Kongreso alinsunod sa itinakda ng batas.

“Pangungunahan ng blue ribbon committee ang pagdinig na ‘yan,” ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero na pumayag dito sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Bong Go.

Naunang hiniling nina Dela Rosa at Go na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado katulad nang isinasagawa ng House Quad Committee (QuadComm) investigation.

Sinabi ni Escudero na si Senador Koko Pimentel ang mangunguna sa imbestigasyon bilang chairman ng subcommittee of the Committee on Accountability of Public Officers and Investigations (blue ribbon), dahil abala si Senador Pia Cayetano sa kanyang reelection bid.

“At nakausap ko na sila at nasabihin ko na kung maaari makipag-coordinate kay Sen. Bato at Sen. Go kaugnay ng mga testigong nais nilang maimbitan at ng schedule din na magiging pagdinig,” wika niya.

Ayon kay Escudero, kailangang maisagawa kaagad ang imbestigasyon habang naka-recess pa ang Kongreso dahil magiging abala ang Senado sa deliberasyon ng pambansang badyet at iba pang bagay kapag nagbukas ang regular sesyon sa Nobyembre 4.

“Siguro aabot ‘yun doon, pero at least masimulan na ng isa o dalawang hearing man lang,” pahayag ng senador.

Ayon pa kay Escudero, walang hangganan o parameters na itinakda sa imbestigasyton dahil maaaring gamitin ito ng ilang senador na isinasangkot sa drug war upang makaganti sa saksi na tumestigo sa Kamara.

“Well, hindi paghihiganti ang tingin ko roon. Ang tingin ko roon ay karapatan at obligasyon nila ‘yun bilang mga halal ng bayan na ipakita ‘yung kanilang panig at ipakita ‘yung panig nila ng katotohanan kaugnay sa mga isyung pinupukol sa kanila. They owe nothing less to the public…Para sa akin, para ipakita naman ‘yung kanilang panig na hindi nabigyan ng pagkakataon sa House hearings,” ayon sa Senate president. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here