Home HOME BANNER STORY 3 patay sa bagyong Uwan sa Nueva Vizcaya

3 patay sa bagyong Uwan sa Nueva Vizcaya

184
0

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi sa Nueva Vizcaya sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2 nitong Lunes, Nobyembre 10.

Sa panayam kay OCD Region 2 spokesperson Alvin Ayson, kinumpirma nito na dalawa sa nasawi ay limang taong gulang na kambal sa Kayapa.

“Yung dalawang nasawi ay confirmed. Ito ay kambal na natabunan ng lupa,” ani Ayson.

Kasama ng dalawang nasawi ang tatlong miyembro ng pamilya na nasaktan at dinala sa Lt. Tidang Memorial Hospital.

Samantala, hindi pa maberipika ang pagkakakilanlan ng ikatlong nasawi.

“Suspetya namin, ito ay caused ng landslide also kasi mostly ng incidents natin sa (Nueva) Vizcaya ay landslide. However, we are still confirming with NDRRMO,” sinabi ni Ayson.

Nasa 6,000 pamilya o 18,116 indibidwal mula sa 342 barangay ang inilikas sa Cagayan Valley. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here