Home ENTERTAINMENT Anjo, binarag ni Cristy sa utang kay Kuya Wil!

Anjo, binarag ni Cristy sa utang kay Kuya Wil!

182
0

Manila, Philippines – Durog na durog si Anjo Yllana kay Cristy Fermin.

Si Anjo ang pinaksa ng betèranang mamamahayag sa radio program nitong Cristy Ferminute.

Reaksyon ‘yon ni Cristy para depensahan si Senate President Tito Sotto laban sa mga paratang ni Anjo nang mag-Facebook live ito nang magkasunod na araw kamakallan.

Hinihingan kasi ni Anjo ng resibo ang mambabatas kaugnay ng campaign promise nito sa mga mahihirap na mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Sasagutin daw ni Tito Sen ang pagpapaaral sa mga ito mula sa kanyang sahod sa Senado.

Dito na pumalag si Cristy.

Ewan daw niya kung may kakampi kay Anjo sa ginawang pang-aaway sa senador.

Dapat nga raw ay mahiya ang mas batang komedyante dahil nakuha pa nitong sira-siraan ang mga taong nagpala sa kanya.

Dating nagsilbing co-host si Anjo ng Eat Bulaga kung saan tumagal siya sa loob ng 21 taon hanggang manalanta ang Covid 19 virus.

Giit ni Cristy: “Unahin mo munang bayaran ang utang mo sa isang sikat na male personality, Anjo!

“Bakit alam ko ‘yon? Kasi ako ang nagsilbing tulay kaya ka nakautang sa kanya!”

Hindi binanggit ni Cristy kung sino ang inutangan ni Anjo until a radio listener disclosed the male personality’s identity.

Kinumpirma naman ‘yon ni Cristy bilang pagsang-ayon sa kanilang tagapakinig: “Oo, si Willie Revillame nga ang inutangan ni Anjo… kaya magbayad ka muna ng utang mo, Anjo…nakakahiya ka!”

Wala namang binanggit si Cristy na halaga ng pagkakautang ni Anjo kay Willie. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here