Sa wakas ay inirampa na ni Carla Abellana ang sinasabing husband-to-be niya.
Kinilala siya bilang “Dr. Reginald.”
Ito ‘yung sinasabing matagal nang kakilala ng aktres, if not her childhood sweetheart.
Matagal bago nag-reconnect daw ang dalawa lalo pa’t Carla and the guy opted to tread separate career paths.
Lately nga’y nasilayan na ng mga netizens ang hitsura nito sa social media.
Sa family get-together on Carla’s side kuha ang larawang ‘yon.
From the obvious looks of it, mukhang tanggap ng pamilya ni Carla si Dr. Reginald.
As expected, nakakuha rin ng stamp of approval from the netizens ang kanilang relasyon.
Ayon sa mga ito, he and Carla make a lovely pair dahil kapwa sila matalino, hindi nagkakalayo ng antas sa buhay at physically ay swak na swak sila.
Kung matatandaan, ginawang “installment” ni Carla ang pasilip niya sa kanyang mystery date, as parts lang ng human body nito ang pine-flex ng aktres.
Soon enough, nabalitang may magaganap na wedding bells this coming December.
Ngayong lantad na ang mukha ni Dr. Reginald, pasasaan ba’t malapit nang mangyari ang pormal na pagpapakilala ni Carla sa kanyang magiging life partner?
Sincerely, the world is happy for Carla! Ronnie Carrasco III