Home NATIONWIDE 3 patay sa inuman sa Cagayan

3 patay sa inuman sa Cagayan

128
0

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong lalaki matapos itumba sa isang inuman sa bar sa Barangay Centro 2, nitong Lunes ng gabi, Hulyo 29.

Kinilala ni Police Major Erwin Ladia, Lasam chief of police, ang mga biktima na sina Rex Udarbe, 49; Dennis Purificacion, 56, at Domingo Rigayan, 35.

Ani Ladia, nagkita-kita ang mga biktima at ang suspek na si Oliver Pagaduan sa isang bar at nagkainitan habang nag-iinuman.

Hinamon ng suspek sina Udarbe at Purificacion na makipagsuntukan. Kumagat naman dito ang mga biktima.

Lumabas ang mga ito at nagsuntukan ngunit bigla na lamang bumunot ng kalibre .45 pistola ang suspek at pinaputukan ang dalawang biktima.

Sinubukan pang pigilan ni Rigayan ang suspek ngunit maging siya ay binaril din.

Tumakas ang suspek at dinala ng pulis ang mga biktima sa ospital ngunit idineklara nang patay.

Narekober ng pulisya ang empty shells ng caliber .45 pistol sa lugar.

Tinutugis pa ng pulisya ang suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here