Home ENTERTAINMENT Karen, na-bash ng A’TIN, nagpalusot!

Karen, na-bash ng A’TIN, nagpalusot!

200
0

Manila, Philippines- Sa X (dating Twitter) idinaan ni Karen Davila ang paglilinaw sa kanyang nag-trending na pahayag na ang P-pop girl group na Bini ang magbubukas ng pintuan para sa mga iba pang Pinoy artists sa international market.

Pinalagan kasi ng mga fans ng boy group na SB 19 ang tinuran ng news anchor ng TV Patrol.

Higit pa rito, nabastusan pa ang mga ito kay Karen.

Lumalabas kasing inetsa-puwera raw ni Karen ang mga iniuwing parangal ng SB 19 sa bansa.

Kaagad namang nilinaw ni Karen ang kanyang pahayag.

Sa tonong gustong lumusot para iwas-bashing, inamin ni Karen na: “I should have been more specific.”

Aniya, aware naman daw siya na ‘di hamak na mas naunang inilunsad at sumikat ang SB 19.

What Karen actually wanted to say is that kung nakaya raw ng SB 19 na ma-penetrate ang international market ay kaya rin itong gawin ng Bini.

Sa bandang huli, hindi raw dapat gawan ng kumpetisyon ang dalawang P-pop group.

“To SB 19 and Bini, you make us all proud! Both proudly Filipino!” pambawi ni Karen.

Samantala, tinuligsa naman ang mga fans ng boy group sa pagiging balat-sibuyas nito.

Matatandaang taong 2018 nang pormal na inilunsad ang SB 19 makaraang mabuo noong 2016 at mag-training sa South Korea.

Taong 2021 naman nang i-launch ang Bini. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here