MANILA, Philippines – Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi habang sugatan ang iba kasunod ng landslide sa bayan ng Tinoc, Ifugao at Besao sa Mountain Province sa pananalasa ng Bagyong Uwan.
Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-CAR) – Cordillera ang mga nasawi nitong Martes, Nobyembre 11.
Sa kasalukuyan ay isang biktima pa lamang ang natukoy na isang 30-anyos na hardinero mula Diffun, Quirino, na nasawi sa Tinoc.
Biniberipika pa ang pagkakakilanlan ng ibang mga nasawi. RNT/JGC