Home METRO 3 patay sa, lumubog na bangkang may 13 sakay sa Pangasinan

3 patay sa, lumubog na bangkang may 13 sakay sa Pangasinan

1
0

MANILA, Philippines — Tatlo ang nasawi matapos lumubog ang motorized banca na may sakay na 13 katao na papunta sana sa isang lamay sa Binmaley, Pangasinan.

Nangyari ang insidente noong Sabado ng gabi sa Camaley-Balogo River.

Kinilala ang mga nasawi na sina Renan Aquino, 36; Rian Soriano, 24; at Sheryl Soriano, 40.

Isa sa mga bangkay ang natagpuan noong Linggo ng gabi habang dalawa pa ang narekober nitong Lunes.

Ayon sa isang kaanak ng biktima, maliit umano ang bangkang ginamit ng grupo sa pagtawid sa ilog.

Sinabi naman ng pulisya na posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang nagpatakbo ng bangka dahil sa pagkamatay ng mga pasahero.

Nagpaalala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga bangka operator at pasahero na magsuot ng life vest tuwing bumiyahe sa ilog. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here